Home OPINION ‘NASIRANG KAMADA?’

‘NASIRANG KAMADA?’

337
0

NAGBITIW na si Senate Pro Tempore Senator Ping Lacson bilang chairman ng ‘Senate Blue Ribbon Committee,’ na nag-iimbestiga ng mga anomalya sa gobyerno kung saan ang sentro ngayon ay ang multi-bilyong ‘flood control project scandal.’

“Nakuha” ni Lacson ang dalawang mataas na posisyon sa Senado matapos ang matagumpay nilang “kudeta” ni Senator Tito Sotto III, kay dating Senate President Chiz Escudero noon lang Setyembre 8.

Ang kudeta ay sinundan naman nang pagtanggal kay House Speaker Martin Romualdez na pinalitan ni Isabela Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III noong Setyembre 17. Parehong may “basbas” nang Malakanyang ang mga nangyari, siyempre!

Isa lang ang dahilan sa nangyaring mga “rigodon:” Ang matinding galit ng taumbayan—at pagkunsinti (raw) ni Pangulong Bongbong Marcos—sa ginawang pandarambong ng mga politiko sa bilyon-bilyong pondo na ang bulto ay nakalaan sa ating flood control projects.

Tama. “Galit” si PBBM sa nangyari pero, ang ginawa niyang pagpirma sa pambansang badyet sa unang tatlong taon ng kanyang termino kahit may “amoy” ng anomalya at korapsyon ay mistulang “pagkunsinti” sa malawakang pang-aabuso— punto naman ng mga miron.

Ang resulta? ‘Casualty’ din ang kredibilidad ng Pangulo na pinalubha pa ng walang habas na panggigipit sa mga kalaban partikular na sa mga Duterte at “pagkupkop” sa mga kalaban ng bayan katulad ng mga komunista.

Translation? Posibleng kaso at kulungan ang bagsakan ng kanyang angkan at mga kapanalig sakaling “kalaban” ang manalong presidente sa 2028. Ang “problema” naman, walang “pambato” bilang kandidatong presidente ang kampo ni PBBM, aguy!

Sa ginawang kudeta kay Sen. Chiz noong isang buwan, “malinaw” ang mensahe” ni Lacson at Sotto kay PBBM: “Sila” ang dapat “manukin” ng Palasyo sa 2028 dahil “protektado” nila ang interes ni PBBM na agad nilang ipinakita bilang mga “timon” sa flood control hearings.

‘Yun lang, hindi na “bopols” ang taumbayan at nakikita ang kanilang mga diskarte at maniobra kaya pulos “baterya” ang inaabot ngayon ni Lacson, dahilan para siya magresign sa BRC.

“Nasirang kamada” yata ang tawag d’yan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here