Home NATIONWIDE P1.9M halaga ng pekeng insecticide spray nasamsam ng NBI

P1.9M halaga ng pekeng insecticide spray nasamsam ng NBI

257
0

MANILA, Philippines – Mahigit 13,000 canister ng pekeng insecticide spray na nagkakahalaga ng P1.9 milyon ang nasamsam mula sa isang tindahan sa Valenzuela City at warehouse sa Tondo, Manila on Monday, ayon sa National Bureau of Investigation.

Sa ulat, ikinasa ng NBI nag operasyon matapos makatanggap ng report mula sa tunay na may-ari ng hindi pinangalanang insecticide brand tungkol sa pekeng bersyon ng kanilang produkto.

Isinagawa ang surveillance at test-buy sa tindahan sa Valenzuela at isang warehouse sa Tondo.

Nakakuha naman ng search warrant ang mga awtoridad mula sa Manila Regional Trial Court at ipinatupad ito sa dalawang establisyimento dahilan para masamsam ang mga pekeng insecticide spray.

Mahaharap ang mga may-ari ng establisyimento sa reklamong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here