MANILA, Philippines – Nasungkit ng solong mananaya ang P223.580 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 nitong Lunes, Oktubre 6, 2025.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng lucky winner ang kombinasyon ng mga numero na 21-27-51-19-14-53. Ang jackpot price para rito ay P223,580,197.60.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45 na ang winning combination ay 45-26-18-38-17-40. Ang jackpot naman para rito ay P9,713,362.40. RNT/JGC