Home HOME BANNER STORY House leaders: Snap polls posible lamang kung…

House leaders: Snap polls posible lamang kung…

317
0

MANILA, Philippines – Nanindigan ang mga lider ng Kamara na posible lamang ang snap election kung aamyendahan ang 1987 Constitution.

Matatandaan na ipinanukala ni Senador Alan Peter Cayetano ang snap poll dahil sa pagkawala na umano ng tiwala ng publiko sa mga lider ng bansa.

“Ang constitutional convention or constituent assembly o kaya people’s initiative, ‘yun ang nasa Constitution. Pwede tayo magbago ng Constitution, at base sa magiging bagong Constitution, ‘yun ang sundin natin sa pag-e-elect ng ating mga opisyales,” sinabi ni House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan.

Dahil dito ay pinalutang naman ni Libanan ang posibilidad ng pag-amyenda sa Konstitusyon at ipakilala ang “genuine electoral reforms” na kinakailangan ng bansa.

“Ito na siguro ang tamang panahon para tumawag tayo ng constitutional convention or constituent assembly para baguhin ang ating konstitusyon dahil nakikita po natin may mga bagay na kailangan baguhin. At hindi lang ito eleksyon, pero kasama na rito ang genuine electoral reforms na kinakailangan ng ating bansa. Iyong campaign spending, ginagastos ng mga pulitiko, kailangan po dun siguro tayo, kumbaga sa computer, mag-reboot na tayo. Simulan natin nang tama,” ayon pa sa mambabatas.

Nauna nang sinabi ng Commission on Elections na hindi sila maaaring magdaos ng snap elections nang walang batas na pumapayag dito.

Ani Comelec chair George Erwin Garcia, walang probisyon sa snap elections sa ilalim ng mga batas ng bansa at sa 1987 Constitution.

Para naman kay House Deputy Majority Leader Bong Teves ng TGP party-list, nagpaalala ito sa mga kasamahang mambabatas na hindi dapat manguna sa paglabag sa batas dahil sa opisina ay isang “public trust” at dapat na ipakita sa mga Filipino na tama ang boto ng mga ito.

Sang-ayon ito sa sinabi ni Libanan na ang snap elections ay wala sa batas at dapat muna ang pag-amyenda.

Sa ngayon, iginiit ni Libanan na dapat munang ibalik ng pamahalaan ang tiwala ng publiko.

“Sa atin namang mga mambabatas, magtrabaho lalo na sa budget, mapunta sa tama na kinakailangan ng mga tao, at maging responsive ang budget na ito sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here