Home NATIONWIDE 6 sugatan sa pagtilapon mula sa caterpillar ride sa peryahan

6 sugatan sa pagtilapon mula sa caterpillar ride sa peryahan

255
0

MANILA, Philippines – Anim ang sugatan matapos tumilapon ang mga ito mula sa caterpillar ride sa isang peryahan sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa video, makikita ang ilang lalaki na nakikiusap sa operator na pahintuin na ang caterpillar ride.

Nangyari ang aksidente matapos na mapaulat na natanggal ang safety steel handrail ng naturang rides.

Dinala sa ospital ang mga biktima at ang mga gastusin dito ay sasagutin ng pamunuan ng peryahan.

Nagpatuloy naman sa operasyon ang peryahan matapos inspeksyunin ng Municipal Engineering Office. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here