Home NATIONWIDE PCG nagsagawa ng search and rescue ops sa fishing vessel na nasiraan...

PCG nagsagawa ng search and rescue ops sa fishing vessel na nasiraan sa Bataan

352
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) sa isang fishing vessel na nasiraan sa baybayin ng Bataan.

Inatasan ng barko ng PCG ang Fishing vessel Seriako 1 sa radar.

Nang mamataan ang sasakyang pangisda ay inilunsad ng BEP Cape San Agustin ang RHIB upang magbigay ng tulong.

Namalagi sa barko ng PCG ang sugatan habang ang pitong iba pa ay ibinalik sa kanilang fishing vessel na hinila sa Mariveles, Bataan.

Napag-alamang nasa mabuting pisikal na kondisyon ang lahat ng miyembro, maliban sa dalawang tripulante na nangangailangan ng paunang lunas.

Ayon sa PCG, umalis ng Mariveles, Bataan ang fishing boat para magsagawa ng fishing venture nang makaranas ng engine failure. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here