MANILA, Philippines – Kasabay ng lumalakas na panawagan para sa transparency sa pamamagitan ng public hearings, sinabi ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) executive director Brian Hosaka nitong Lunes, Oktubre 6 na ang mga pagdinig ay mananatiling pribado.
“The policy of the commission on this matter is still the same,” mensahe ni Hosaka nang tanungin kaugnay sa desisyon ng ICI na buksan sa publiko ang mga pagdinig.
Nauna nang sinabi ni Hosaka na ang mga pagdinig ay hindi ila-livestream upang maiwasan ang “trial by publicity” at anumang political influence.
Batid aniya ng komisyon ang panawagan para sa live-streaming.
Samantala, inaasahang dadalo si Senador at dating DPWH Secretary Mark Villar at mag-asawang Discaya sa ICI ngayong araw, Oktubre 7.
Nauna nang inirekomenda ng ICI ang posibleng paghahain ng reklamong graft, malversation, at falsification charges laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways officials sa Ombudsman.
Ang mga inirekomendang reklamo ay may kaugnayan sa P289.5 million road dike project sa Mag-Asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro. RNT/JGC