MANILA, Philippines – Pinalakas pa ng Department of Health ang HIV testing at counseling sa mga komunidad.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya at serbisyo laban sa HIV.
Sagot ng DOH ang tuloy-tuloy na gamutan ng PLHIV at naghahatid ng libreng HIV testing at counseling.
Sa Family Health Fair noong Oktubre 4 at 5, nasa 150 na pasyente ang naserbisyuhan at nabigyan ng HIV screening, counseling, at edukasyon tungkol sa mga serbisyo sa DOH treatment facilities.
Patuloy ang pagtanggap ng DOH ng mga nais mag-HIV test sa Luneta.
Sa mga serbisyong ito, mananatiling private at confidential ang resulta ng test.
Paalala ng DOH: Know your HIV status by getting tested.
Makaaasa naman ang Persons Living with HIV (PLHIV) na tuloy-tuloy ang pagbabahagi ng DOH ng libreng antiretroviral treatment at iba pang pangangailangan ng mga PLHIV para sa management ng kanilang kondisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden