Home HOME BANNER STORY ICI itinangging may nais magbitiw sa kawalang pag-asa sa komisyon

ICI itinangging may nais magbitiw sa kawalang pag-asa sa komisyon

296
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Martes ang mga pahayag na isa sa mga miyembro nito ang nagpaplanong magbitiw at nawawalan na ng pag-asa sa limitadong awtoridad ng komisyon.

Ginawa ni CI Executive Director Brian Hosaka ang pahayag bilang tugon sa mga pahayag ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa kanyang privilege speech sa plenary session noong Lunes sa House of Representatives.

“It’s not true that there is a member of ICI who wants to resign,” saad ni Hosaka.

“ICI is united and they continue to investigate according to their mandate,” dagdag niya.

Sinabi rin niya na ang mga nakatakdang pagdinig ay karagdagang patunay ng katatagan ng ICI.

Nanindigan si Hosaka na hindi papayagan ng ICI ang anumang “whitewashing” sa mga pagdinig nito sa gitna ng mga panawagan mula sa Simbahang Katoliko na itaguyod ang integridad ng mga pagtatanong nito.

“That’s why it is very crucial that the commission carefully untangle this web of corruption. This is not a simple modus,” paliwanag niya.

“Evidence and testimonies received by the ICI must be verified, as these might be false and possibly given to mislead the investigation and even the public for whatever agenda by some people. Hahanapin po ng ICI ang katotohanan,” dagdag pa niya.

Ang ICI ay nilikha noong Setyembre 11 sa pamamagitan ng Executive Order No. 94 na inisyu ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Iniimbestigahan ng komisyon hindi lamang ang katiwalian sa mga proyektong pangkontrol sa baha kundi pati na rin ang lahat ng gawaing imprastraktura ng pambansang pamahalaan mula sa nakalipas na 10 taon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here