Home ENTERTAINMENT Kim, namahagi ng construction materials sa Cebu!

Kim, namahagi ng construction materials sa Cebu!

329
0

Manila, Philippines – May kasabihan nga na: sino pa ba ang magtutulungan kundi tayu-tayo rin?

Isang klasikong halimbawa ang pagtulong na ipinamalas ni Kim Chiu through her eponymous foundation.

Sa tulong ng kanyang Kim Chiu Foundation, marami sa ating mga kababayan sa Bogo City at San Remigio sa Cebu ang nabiyayaan ng mga construction materials upang maipatayo ang kanilang nawasak na bahay dulot ng 6.9 na lindol na yumanig nitong September 30.

Personal na namili si Kim ng mga materyales na katumbas ng dalawang 10-wheeler truck.

Posibleng mamili pa ang TV host-actress batay sa extent ng damage.

For starters, tubong Cebu si Kim.

Tamang-tama pang nasa kalagitnaan sila ng taping ni Paulo Avelino ng seryeng The Alibi when the earthquake struck bandang alas diyes ng gabi.

Abut-abot nga ang pasasalamat at paghanga ng mga netizens kay Kim.

Ilan lang sa mga posts ay: “She has a good soul and heart.”

“Kim doesn’t just talk about it, she lives it!”

“Nakakaiyak ang kabaitan mo, Kim!”

“How can you hate someone whose kindness is in every word and action?”

Isang malaking sampal sa mga pulitiko ang ginawang pagresponde ni Kim sa mga biktima ng lindol!

Atta girl! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here