Home NATIONWIDE Pakiusap ni Magalong: Hayaan si PNP chief Azurin sa imbestigasyon kasama ng...

Pakiusap ni Magalong: Hayaan si PNP chief Azurin sa imbestigasyon kasama ng ICI

336
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hayaan si PNP Chief Rodolfo Azurin na mag-imbestiga at huwag pigilan at pakialaman gaya ng nangyari sa kanya.

Tinutukoy ni Magalong ang isyu tungkol sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kung saan naging bahagi siya ng Independent Commission for Infrastrcature (ICI).

Possible kasi aniyang may nasagasaan siya sa ginagawang imbestigasyon na naging dahilan na lang para mauwi sa kaniyang pagbibitiw sa ICI.

Ngayong Martes, nagkasama-sama sina Magalong, kaniyang kapalit na si dating PNP Chief Rodolfo Azurin at Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon para sa turnover meeting.

Ayon kay Magalong, marami pa sanang nakalinya na mga kasong isasampa ang ICI kaugnay sa mga dawit sa anomalya sa flood control projects.

Pero ayon kay Magalong, nahinto ito kasunod ng kaniyang pagbibitiw bilang special adviser ng ICI.

Sinabi ni Magalong na itu-turnover na niya ang mga dokumento kay Azurin kasama ng ibang mga technical reports at mga kaso na ihahain kaugnay sa ghost projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here