Home ENTERTAINMENT Aiko at bf, split na!

Aiko at bf, split na!

317
0

Manila, Philippines – This coming mid-November would have been their eighth anniversary as sweethearts.

Pero wala na ngang dahilan para ipagdiwang ‘yon ni Quezon City Fifth District Councilor Aiko Melendez at Zambales First District Representative Jay Khonghun dahil opisyal nang hiwalay sila.

Ito mismo ang ibinalita ng manager ng aktres-pulitiko na si Ogie Diaz sa kanilang online program na Showbiz Update.

Ani Ogie, binigla raw siya ni Aiko sa balita nito.

Wala namang binanggit na dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan.

Sa halip ay binasa ni Ogie ang ipinadalang official statement ni Aiko.

Nakasaad doon na ang desisyon nilang ‘yon “was not made lightly but with careful consideration.”

Nilinaw ni Aiko na on their own, patuloy pa rin nilang gagampanan ni Jay ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang public servant.

Kinlaro rin ni Aiko na walang third party involved sa likod ng kanilang paghihiwalay.

Umaasa si Aiko na igagalang ng publiko ang kanilang privacy.

Nakapanghihinayang na nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon, considering na nalampasan na nga nila noong isang taon ang sinasabing “seven-year itch.”

Ipinagdiwang pa nga nina Aiko at Jay last year ang kanilang seventh anniversary with their showbiz friends as well as from the media. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here