Home NATIONWIDE Suhestiyon ni Cong. Libanan, tinabla: PBBM, ‘di sang-ayon sa constitutional change –...

Suhestiyon ni Cong. Libanan, tinabla: PBBM, ‘di sang-ayon sa constitutional change – Malakanyang

333
0

MANILA, Philippines – Sa ngayon, hindi sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa isang constitutional change.

Tugon ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa sinabi ni House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan na mas mabuti na isulong ang constitutional change sa halip na snap election, kung nais ng tunay na pagbabago hindi lang sa mga nakaupong pulitiko kundi sa buong sistema.

Sinabi ni Castro na maraming paraan para maresolba ang ganitong klaseng korupsiyon.

“Marami na pong batas na maaaring gamitin kung susunod lamang ang mga public officials natin hindi po iyong katulad noong nangyari na may batas pero isinantabi o sinet [set] aside kaya po tuloy hindi na po nagti-turnover ang DPWH sa mga local government units,” ani Castro.

“Matatandaan po natin, mayroong batas at iyan nga po ang ikinadismaya ng Pangulo – bakit hindi na nagti-turnover sa LGUs, bakit? Dahil tinanggal noong nakaraang administrasyon. Marami ng batas. So, dapat na lamang po ito ay enforced, i-implement, sundin ng ating mga public servants at public officials,” aniya pa rin.

Para kay Castro, hindi nararapat sa ngayon ang constitutional change, ang kailangan ay “change of attitude” ng mga opisyal at change of heart.

“maging maka-Pilipino, maging makabayan,” ang diing pahayag ni Castro.

Sa ulat, naniniwala si Libanan na mas mabuti na isulong ang constitutional change sa halip na snap election, kung nais ng tunay na pagbabago hindi lang sa mga nakaupong pulitiko kundi sa buong sistema.

Tugon ito ni Libanan sa mungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano na resign all at mag-daus ng snap election.

Binigyang-diin ni Libanan na ‘genuine electoral reform’ ang kailangan kabilang ang campaign spending.

Giit ni Libanan ang gagawing pagbabago sa bansa ay kailangan ng rebooting sa sistema.

Sa ngayon may pending bill na sa Kamara na nananawagan ng Constitutional Convention o Con Con.

Inihayag ni Libanan, wala sa Konstitusyon ang snap election at tanging ligal lamang ay Con Con, Con-As at People’s Initiative.

Ang GAA 2026 ay kasalukuyang sumasailalim sa masusing pagsusuri ng Kamara.

Sa darating na Biyernes, October 10,2025 itinakda ang period of amendments para sa 2026 national budget.  (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here