Home HOME BANNER STORY Remulla nangako ng transparency, accountability bilang bagong Ombudsman

Remulla nangako ng transparency, accountability bilang bagong Ombudsman

329
0

MANILA, Philippines – Nangako ng transparency at accountability si dating Justice secretary Boying Remulla na ngayon ay itinalaga ng Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong Ombudsman.

Sinabi ni Remulla na magkakaroon ng mas bukas at transparent na Tanodbayan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ayon kay Remulla, ang trabaho ng Ombudsman ay para sa buong Pilipinas at hindi para sa isang kampo ng pulitiko.

Tugon ito ng bagong Ombudsman sa pahayag ni Senator Imee Marcos na itinalaga siya sa posisyon para itulak umano ang pagpapakulong kay VP Sara Duterte.

Kung ang pag-uusapan naman ay mga kaso na iniimbestigahan ng pamahalaan, sinabi ni Remulla na uunahin niya ang isyu sa flood control anomaly.

Sa kaso naman ni VP Sara, sinabi ni Remulla na pag-aaralan din nila ang committee report na inihain ng Kamara sa Office of the Ombudsman kaugnay sa isyu ng confidential funds nito.

Nakatakdang manumpa si Remulla sa Huwebes habang inaasahang magsisimula na sa bagong tungkulin pagsapit ng Biyernes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here