Home METRO DOTr: Waiting sheds lalagyan ng solar panels, charging ports

DOTr: Waiting sheds lalagyan ng solar panels, charging ports

328
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon na ng makabagong waiting sheds para sa mga pasahero ng jeepney at bus na may solar-powered lights, charging ports, at mga PWD-friendly na pasilidad, ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Martes.

Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, ang mga bagong PUV stop sa tapat ng Concepcion Elementary School at San Roque Park sa Marikina ang magiging modelo ng mga susunod na estruktura.

“May upuan para sa mga buntis, sa mga senior citizen, sa mga PWD, at talaga namang maaliwalas,” ani Lopez. “Ito po ay powered by solar panels. PUV-friendly po ito, PWD-friendly, senior citizen-friendly.”

May wheelchair ramp, tactile pavement para sa may kapansanan sa paningin, at bollards din para sa karagdagang kaligtasan.

Sinabi ni Marikina Mayor Maan Teodoro na mayroon nang dalawang modernong PUV stop ang lungsod at bahagi ito ng programang nagsusulong ng sustainable at active mobility para sa mga mamamayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here