Home HOME BANNER STORY Libreng pabahay, ayuda ibibigay ng NHA sa mga biktima ng Cebu quake

Libreng pabahay, ayuda ibibigay ng NHA sa mga biktima ng Cebu quake

334
0

Magkakaloob ang National Housing Authority (NHA) ng libreng permanenteng pabahay at cash assistance sa mga pamilyang nawalan ng tirahan matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City at karatig-bayan sa Cebu noong Setyembre 30.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, naghahanda na sila ng relocation plan para sa mahigit 2,000 pamilya mula sa Bogo at San Remigio, na ililipat sa ligtas na lugar na malayo sa sentro ng lindol. “Ayaw na nilang bumalik doon dahil sa araw-araw na aftershock,” ani Tai sa panayam ng Super Radyo DZBB.

Bawat pamilya ay bibigyan ng row house na may dalawang kuwarto sa 40-square meter lot, na may kasamang paaralan, covered court, at iba pang pasilidad sa komunidad. Libre ito dahil biktima sila ng kalamidad.

Magsisimula rin sa Biyernes ang pamamahagi ng ₱10,000 para sa bahagyang nasira at ₱30,000 para sa tuluyang nasirang bahay.

Magkakaroon din ng isang-buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization para sa mga kasalukuyang benepisyaryo sa Cebu at Masbate, kaya walang bayad sa Oktubre.

Habang isinasapinal ang relocation plans, pansamantalang nananatili ang mga apektadong pamilya sa tent city na itinayo para sa humigit-kumulang 2,500 pamilya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here