Home NATIONWIDE Bong Go, nananawagan ng sapat na pondo para sa Veterans Memorial Medical...

Bong Go, nananawagan ng sapat na pondo para sa Veterans Memorial Medical Center

307
0

MANILA, Philippines – Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na tiyaking may sapat na pondo ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC), matapos lumabas ang ulat ng posibleng bawas sa budget para sa taong 2026.

“Nabasa ko po medyo bumaba yata ang budget ng VMMC for 2026. Sana po ay masuportahan po ang sapat na pondo para dito,” ani Go sa budget hearing ng Department of National Defense (DND).

Humiling ang VMMC ng ₱4.9 bilyon, ngunit ₱3.241 bilyon o 65.84% lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa 2026 National Expenditure Program.

“As a health advocate, we also want to ensure the health and well-being of our soldiers, and we want them to have accessible medical service,” dagdag ni Go.

Bilang Vice Chairperson ng Senate Committee on National Defense, binigyang-diin ni Go na may Malasakit Center ang VMMC at isa ito sa mga ospital na sinuportahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapaunlad ng operasyon at kagamitan.

Pinuri rin ng senador ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang dedikasyon sa panahon ng Marawi siege, pandemya, at mga kalamidad.

“Full support ako sa mga sundalo… Sa pamamagitan ng budgetary support ay maipapakita natin ang respeto at pagkilala sa sandatahang lakas,” ani Go.

Bilang health reform advocate at dating Chair ng Senate Committee on Health, iginiit ni Go na dapat gawing abot-kaya at abot-kamay ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

“No Filipino should be deprived of medical services simply because they cannot afford them. Healthcare is not a luxury. It is a necessity and a right that we must uphold and protect,” diin ng senador.

Ang VMMC ay isang Level III hospital na may 766-bed capacity at nagbibigay ng serbisyong medikal sa mga beterano, retiradong sundalo, at kanilang mga dependent. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here