MANILA, Philippines – Posibleng makasuhan ang dalawa pang incumbent senators kung mapapatunayang tumanggap sila ng donasyon mula sa mga government contractor noong 2022.
Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may anim na senador ang iniimbestigahan ng ahensya kaugnay ng pagtanggap ng donasyon para sa kampanya.
Tatlo sa anim na ito ang natalo sa halalan noong 2022, habang ang tatlo naman ay kasalukuyang nasa posisyon.
Bukod kay Escudero, sinabi ni Garcia na may isa pa umanong tumanggap ng P30 milyon bilang campaign donation.
Wala pang kumpirmasyon mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung ang mga contractor na nagbigay ng donasyon ay mga public o government contractor, kaya’t hindi pa pinapangalanan ng Comelec ang iba pang senador.
Ayon pa kay Garcia, konektado sa 55 government contractors na kasalukuyang iniimbestigahan ng komisyon ang mga nasabing kumandidatong senador. Jocelyn Tabangcura-Domenden