Home SHOWBIZ Korean actress at influencer, natagpuan ang katawan sa maleta!

Korean actress at influencer, natagpuan ang katawan sa maleta!

298
0

South Korea – Natagpuan last Sept. 11 ng police ang katawan ng South Korean artist and influencer na si Yoon Ji-ah na nakasilid sa isang maleta sa Muju County, North Jeolla Province ng South Korea.

Isang VIP fan na may codename Choi ang itinuturong salarin sa pagpaslang sa 20-year-old influencer na may mga pasa at sinakal hanggang mawalan ng buhay.

Mahigit 300,000 ang followers ni Yoon at sa Yeongjong Island, Incheon niya kinunan ang kanyang final livestream.

Sa loob ng 30 minutes ay pinaslang siya.

Mga tatlong oras by car ang pinaglagakan ng katawan niya kaya base sa timeline na ito ay inatake siya agad matapos niyang mag-livestream.

Nireport sa last Oct. 3 episode ng Curious Story program ng Seoul Broadcasting System na arestado na ang VIP Fan na si Choi. Nasa 50s raw ang edad nito.

Ayon sa Chosun Daily ay nakuha ni Choi ang loob ni Yoon dahil in-introduce niya ang sarili niya bilang isang CEO ng IT company na pwede niyang maging business partner para dumami pa lalo ang followers niya.

Natuklasan ni Yoon kalaunan na lubog pala sa utang ito at nagpasyang tapos na ang usapan nila.

Nakunan pa ng CCTV ang pagluhod ni Choi at kalaunan ay ang pagsara ng pinto ng kotse matapos hilain ng lalaki si Yoon nang magtangka itong umalis.

Arestado si Choi ng police 2 days matapos madiskubre ang katawan.

Sa una ay dinenay niya ang krimen pero umamin nang sinabi ng mga pulis ang tungkol sa katawan. Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here