
MANILA, Philippines – Nagdagdag ng P56.6 bilyon ang Budget Amendments Review Subcommittee ng House appropriations panel sa alokasyon ng Department of Education para sa 2026.
Sinabi ni House appropriations committee at Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Suansing na ang realignment ay magbubunga na ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon.
“This is unprecedented. This is the first time in history… This will be the highest education budget in history,” ayon kay Suansing.
Kabilang sa aprubadong alokasyon ay ang P35 bilyong Basic Education Facilities ng DepEd, P414 milyong DepEd computerization program, P4 bilyong pondo para sa state universities and colleges; P1.8 bilyon sa konstruksyon ng mga gusali para sa SUC at mga pasilidad at P3.6 bilyon para sa Training for Work Scholarship Program and Special Training for Employment Program sa ilalim ng echnical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang dagdag na pondo ay karagdagan sa naunang alokasyon na P1.224 trilyong para sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).
Ngayong Biyernes ay muling magsasagawa ng sesyon ang Kamara upang pag-isahin ang mga pagbabago sa 2026 General Appropriations Bill bago ito aprubazhan sa ikalawang pagbasa.
Sa October 13 naman o sa Lunes inaasahang maipapasa ng Kamara ang GAB sa ikatlo at huling pagbasa. (Meliza Maluntag)