MANILA, Philippines – Irerekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian sa Blue Ribbon Committee at Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isama sa kanilang imbestigasyon sa katiwalian sa infrastructure projects ang mga farm-to-market road.
“Nakita namin may overpriced halos all regions, e. Iyon nga lang ang pinakamalaking nakakuha ng farm-to-market roads ay Bicol area,” sinabi ni Sen. Gatchalian sa Kapihan sa Senado ngayong Huwebes. CESAR MORALES
