MANILA, Philippines – Nagsampa ng mga reklamong kriminal, sibil at administratibo sa Office of the Ombudsman ang Manila LGU laban kay dating Assistant City Administrator Jocelyn Dawis-Asuncion na inakusahan ng paglilipat ng mahigit P170 milyong pondo sa edukasyon upang bayaran ang mga insurance premium ng pamahalaan sa panahon ng administrasyon ni dating Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Sa14 na pahinang complaint-affidavit na inihain noong Oktubre 7, sinabi ni Manila OIC City Accountant Jonathan Galorio na pinahintulutan ni Asuncion ang maraming disbursement mula sa Special Education Fund (SEF) ng Lungsod ng Maynila upang masakop ang mga premium ng Government Service Insurance System (GSIS) at loan amortization sa kabila na ang mga obligasyong ito ay ibinabawas na sa suweldo ng mga empleyado.
Sinabi ni Galorio na ang mga documentary records, nagpakita na si Asuncion ay nagbigay ng ilang liham sa Land Bank of the Philippines sa pagitan ng Hulyo at Oktubre 2024 na nagpapahintulot sa bangko na mag-debit ng kabuuang P170,105,961.99 mula sa SEF trust account ng lungsod para sa mga pagabbayad sa GSIS.
Sinabi ni Galorio na umabot sa technical malversation, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices, at paglabag sa GSIS Act at gross negligence ang transaksyon ni Asuncion.
Ayon pa kay Galorio, lumikha ng malubhang pagdududa ang ginawa ni Asuncion kung saan talagang napunta ang ibinawas na mga premium na nagmumungkahi ng “misapplication, mismanagement, o misappropriation” ng government resources.
Hinimok ni Galorio ang Ombudsman na panagutin si Asuncion sa kriminal, sibil at administratibong pananagutan na sinasabing ang kanyang paulit-ulit na mga awtorisasyon ay bumubuo ng isang “malas” at kapansin-pansing paglabag sa opisyal na tungkulin.
Binigyang-diin niya na ang mga pagkilos na ito ay itinuturing na matinding kapabayaan at napagpasyahan na ang anumang ms mababa sa pananagutan ay magbibigay ng gantimpala sa kawalan ng parusa ay magpapalakas ng loob ng karagdgaang pang-aabuso sa mga pondo ng publiko.
Ang SEF ay isang espesyal na pondo na nagmula sa karagdagang isang porsyentong buwis sa real property na mahigpit na inilaan para sa mga programang pang-edukasyon, pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga pampublikong paaralan, at pagtatayo ng mga pasilidad ng paaralan. Jocelyn Tabangcura-Domenden