Home HOME BANNER STORY SWS: Pera, kalusugan ‘big stress’ ng mga Filipino

SWS: Pera, kalusugan ‘big stress’ ng mga Filipino

283
0

MANILA, Philippines – Nasa 34% ng mga Filipino ang nakakaranas ng madalas na stress dahil sa pera, kalusugan, trabaho, paaralan at pamilya, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

“As part of monitoring Filipinos’ views on well-being, SWS tracked public attitudes toward stress factors, including one’s financial situation, health, job/school, and family, providing valuable insights into how they affect daily life and overall mental health,” sinabi ng SWS, na sakto sa selebrasyon ng World Mental Health Day ngayong Oktubre 10.

Ang national survey ay isinagawa mula Setyembre 24 hanggang 30, 2025 kung saan napag-alaman na 34% ng adult Filipinos ang madalas na nakakaranas ng stress sa kanilang pang-araw araw na buhay; 32% ang nakakaranas nito paminsan-minsan; at 30% ang madalang; habang 4% ang ni minsan ay hindi nakaranas ng stress.

Mas mataas ang mga nakaranas ng madalas na stress sa 34% mula sa December 2019 survey na 27% lamang.

Nakita rin sa survey na 53% ang nakakaranas ng big stress patungkol sa pera, 42% sa kalusugan, 39% sa trabaho o paaralan, at 38% sa pamilya.

Gumamit ang Third Quarter 2025 Social Weather Survey ng face-to-face interviews ng 1,500 adults (18 years old and above) sa buong bansa.

Mayroong 300 respondents sa Metro Manila, 600 sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), at tig-300 sa Visayas at Mindanao.

May sampling error margins ito na ±3% sa national percentages, ±4% sa Balance Luzon, at tig-±6% sa Metro Manila, Balance Luzon, the Visayas, at Mindanao.

Ito ay isang non-commissioned survey.

Samantala, sa survey ay napag-alamang mas marami ang madalas na nai-stress sa Metro Manila sa (50%), kumpara sa Balance Luzon (36%), Mindanao (28%), at Visayas (26%).

Ang babae naman ang pinakanakakaranas ng stress sa 41% kumpara sa lalaki na 27% lamang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here