MANILA, Philippines – Nagdulot ng pagbaha ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Batay sa ulat ng MMDA noong 12:55 p.m., narito ang mga binahang lugar:
Quezon City
EDSA Ortigas after flyover (northbound): baha hanggang gutter (8 pulgada), madaanan ng lahat ng sasakyan
C5 Ortigas service road (southbound): gutter-deep (8 pulgada), humupa na bandang 12:49 p.m.
C5 Eagle St. (northbound): binaha, di tinukoy ang lalim
Ayon sa PAGASA, dulot ng trough ng low pressure area (LPA) ang mga ulap na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, at ilang bahagi ng MIMAROPA. RNT