Home ENTERTAINMENT Amor Lapus, game magmaldita!

Amor Lapus, game magmaldita!

903
0

Manila, Philippines — Ang sexy actress na si Amor Lapus ay game sumabak sa kontrabida role. Kakaibang challenge raw kasi ito para sa kanya.

Nabanggit din ni Amor ang magagaling na kontrabidang hinahangaan niya.

“Opo, game akong sumabak sa kontrabida role. Lalo na’t bago po ito sa akin, gusto ko pong matuto nang paunti-unti at sumabak sa mga ibibigay na role po sa akin.

“Alam ko pong nawala ako ng ilang taon at ngayon po ay nagbabalik ako, kaya gusto kong may maipakita.

“Para sa akin, kakaibang challenge ito at game akong magmaldita para magampanan ang role,” esplika ng aktres.

Wika pa ni Amor, “Ang kontrabida na hinahangaan ko po ay sina Gladys Reyes, Cherie Gil, at Jean Garcia. Ito ang mga kontrabida na gustong-gusto ko sa mga pelikula.

“Magaling silang umarte at lagi silang nakaka-inis at nakakagigil sa pagiging maldita… lalo na po sa mga inaapi o pinagmamalupitan nila.

“Sobrang nakakaapekto po sa damdamin ng manonood kapag sila po ang napapanood na kontrabida. Ang gagaling po nila kasi talaga.”

Ano sa tingin niya ang pinakamagandang role na natoka sa kanya?

Tugon ng sexy at flawless na talent ni Jojo Veloso, “Para sa akin, ang naging role ko sa Balik-Taya, pinakanagustuhan ko po ’yung nakasama ko po ang Queen of Vivamax na si Angeli Khang, si Azi Acosta, at iba pa. Dahil sila ’yung tinitingala sa Viva at proud na nakasama ko po sila.

“Dito sa Balik-Taya, natutunan ko po ang maging isang ‘taya girl.’ Siyempre, dapat maging seksi ka, maganda ka para mapili ka ng mananaya, at kung nasa iyo ba ang suwerte ng isang mananaya para sa sugal.

“Ito ay ginanap din sa Thailand. At siyempre, hindi lang po ako pang-seksi role, nag-action din po ako nang kaunti. Kailangan kong humawak ng baril dito.”

Sinabi rin ni Amor na dream niyang sumabak sa action movie.

“Ang dream role ko po ay ’yung sasabak ako sa action na may seksi rin. Kasi para sa akin, ang astig ng babae na may hawak na kutsilyo o baril. Na at the same time, natutunan mong mag-self-defense sa kalaban mo. Kapag ang babae napapanood mong sexy at maganda, tapos ginampanan niya ’yung gano’ng role, mapapahanga ka sa galing dahil para po sa akin, all-in-one siya.

“Mahilig po ako sa action kaya gusto kong gampanan iyon. Gusto ko rin po na mahasa pa sa pag-arte, lalo na sa aksiyon. Sana makatrabaho ko po ang magagaling na artista sa industriya,” nakangiting sambit pa ng tsinitang aktres. — Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here