Home ENTERTAINMENT Vina at Chad, humihingi ng dasal!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Vina at Chad, humihingi ng dasal!October 10, 2025 13:352960 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — “Please pray for our hometown.”Bahagi ito ng post ng dalawa sa mga celebrities na taga-Bogo, isang bayan sa Cebu na tinamaan ng 6.9 magnitude na lindol kamakailan.Ayon sa pinakahuling ulat, umabot na sa 69 katao ang nasawi, bukod pa sa bilang ng mga nasaktan.Ang bayan ng Bogo ay may 90,000 na populasyon.Sa pagitan nina Vina Morales at Chad Borja, na kapwa tubong Bogo, mas malawak ang tinamong pinsala sa panig ni Chad.Gumuho raw kasi ang kanilang lumang bahay doon.Mabuti na lamang at ni isa sa miyembro ng kanyang pamilya ay hindi nasaktan.Kasalukuyan ding idinaraos ang Miss Asia-Pacific nang maramdaman ang pagyanig.Isa ang singer na si Zsa Zsa Padilla sa mga maagap na tumugon sa mga naapektuhan. — Ronnie Carrasco III