Home HOME BANNER STORY Agarang paglikas sa DavOr, 6 pang lalawigan ipinanawagan ng OCD sa M-7.4...

Agarang paglikas sa DavOr, 6 pang lalawigan ipinanawagan ng OCD sa M-7.4 lindol

284
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga residente ng mga baybaying komunidad sa Davao Oriental at anim pang lalawigan na agad lumikas patungong mataas na lugar matapos ang 7.4 magnitude na lindol na tumama sa silangang bahagi ng Mindanao nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, naganap ang lindol bandang 9:43 a.m. sa karagatan ng Davao Oriental, dahilan upang maglabas ng tsunami warning ang Phivolcs para sa Davao Oriental, Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.

“Right now, as we speak, a tsunami warning has been issued urging people in the coastal communities… to immediately evacuate to higher grounds or move further inland,” ani Alejandro.

Pinayuhan din niya ang mga mangingisda na ilayo ang kanilang mga bangka sa dalampasigan at manatili sa malalim na bahagi ng dagat hanggang maalis ang babala.

Sinabi ng OCD na nakikipag-ugnayan ito sa mga regional disaster councils, lokal na pamahalaan, at mga uniformed services para sa mabilis na pagtugon at pagsubaybay.

Samantala, inactivate ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Deployable Response Group (DRG) sa mga apektadong rehiyon para sa posibleng search and rescue operations.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab, tatlong Coast Guard Districts—Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao, at Eastern Visayas—ang inilagay sa alerto.

“PCG personnel are now conducting coastal and sea monitoring, advised precautionary measures, and activated all Deployable Response Groups,” aniya.

Hinimok ng PCG ang publiko na manatiling kalmado, makinig lamang sa opisyal na abiso ng pamahalaan, at umiwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here