Home ENTERTAINMENT Pinky, pinasaringan si Ka Tunying!

Pinky, pinasaringan si Ka Tunying!

378
0

Manila, Philippines — Dismulado pero tagos hanggang buto ang pasaring ni Pinky Amador sa hinihinalang brodkaster na si Anthony Taberna o mas higit na kilala bilang Ka Tunying.

Sa video na kanyang ipinost sa social media, makikita si Pinky na naglalakad sa loob ng isang mall.

Matutumbok niya sa kanyang paglalakad ang isa sa mga branch ng Ka Tunying’s.

Pagharap niya sa cake shelf, nag-dialogue ang aktres ng: “Bibili sana ako ng fake news!”

Pagkatapos nito’y nag-peace sign siya.

Caption ni Pinky sa kanyang post: “Mag-ingat tayo sa papakain natin. Maging mapanuri sa mga balita. Iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.”

Hindi man direktang pinangalanan, obvious namang sa kontrobersyal na brodkaster patungkol ang sarkastikong post na ’yon.

Iniuugnay ito sa banat ni Taberna kay Senator Risa Hontiveros dahil sa bicam insertions na pinalalabas umano nito sa 2025 national budget.

Aabot sa mahigit ₱3 bilyon ang halaga ng insertions na itinanggi naman ng lady senator.

Umani naman ng paghanga ang post ni Pinky; ang iba’y natawa pa’t naaliw. — Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here