MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang iiral sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro dahil sa trough ng low pressure area, sinabi ng PAGASA nitong Sabado, Oktubre 11.
Huling namataan ang LPA sa layong 445 kilometro kanluran ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Hindi ito inaasahang magiging isang bagyo sa susunod na 24 na oras.
Samantala, ang Southwesterly Windflow ay magdadala naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Palawan, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at BARMM.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC