Home OPINION ‘CORRUPTION CHARGE’ ‘DI DUMIKIT SA CUSTOMS CHIEF

‘CORRUPTION CHARGE’ ‘DI DUMIKIT SA CUSTOMS CHIEF

271
0

HINDI ikinabahala ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang huling ulat ng ‘US State Department’ at ‘Transparency International’ na isa ang Aduana sa patuloy “pinaka” korap na ahensya ng pamahalaan.

Tama naman kasi ang kanyang pahayag na pagkaupo pa lang niya sa pwesto noong Hulyo, reporma at pagtutuwid ng mga nakitang kabulastugan sa mga proseso at sistema ang kanyang unang tinutukan.

Sa kanyang unang tatlong buwan sa pwesto, nagsisimula nang maramdaman ang epekto ng kanyang mga isinusulong na reporma kung saan ang pangunahin dito ay ang kanyang ‘No Take Policy’ na marami sa pantalan ang hindi makapaniwala!

Sa “pagkuwenta” ng ilang miron, Pangulong Bongbong Marcos, aabot na sa higit P200 milyon ang suhol, ehek, “pasalubong” na tinanggihan ni Comm. Ariel.

Eh, kung ganyan, dapat mo talagang ibida na hindi ka nagkamali ng pagtatalaga kay Comm. Ariel, tama ba, Finance Secretary Ralph Recto?

“Asar-talo” pa nga ang mga korap dahil “sinarhan”niya ang isang “butas” ng korapsyon sa ginawa niyang agarang pagpapatigil sa pagsisilbi ng mga ‘mission orders’ at ‘letter of authority’ na inaprubahan ng kanyang pinalitan sa pwesto.

Ibinalik rin niya ang insentibo sa mga ‘importer’ na makagpanegosyo ng maayos sa piyer sa pag-obliga sa lahat ng opisyal at empleyado ng Customs na ideklara ang kanilang interes sa anomang customs brokerage bilang bahagi ng kanyang ‘No Conflict of Interest o COIN Policy.’

Sa mga nakaraang panahon kasi, may ‘enrollment list’ sa BOC kung saan iilang “pinagpala” at “nabasbasan” ang “nag-iimbudo” sa bulto ng transaksyon. At ‘silent business partners’ dito ang ilang mga opisyal at empleyado ng ahensya.

Sadyang mahirap supilin ang katiwalian sa Aduana, sabi sa atin ni Comm. Ariel.

Subalit ang mabawasan ito ng malaki at maibalik sa ahensya ang tiwala ng publiko at mga negosyante sa kanyang termino ay isa na ring “tagumpay” para sa kanya.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here