Home NATIONWIDE Drayber ng DOTR exec sinibak sa viral road rage video

Drayber ng DOTR exec sinibak sa viral road rage video

355
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez nitong Biyernes, Oktubre 10 na sinibak ni DOTr Usec. Ricky Alfonso ang kanyang driver na sangkot sa viral road incident sangkot ang isang 23-anyos na multicab driver.

Nauna rito, nag-viral ang isang video na nagpapakita sa driver at bodyguard ni Alfonso, na nakasakay sa isang SUV, na may mainitang pagtatalo sa isang multicab driver sa isang road rage incident.

Narinig din ang salitang “VIP” (very important person) sa gitna ng pagtatalo. Sinabi ng driver ng multicab na siya ay pisikal na sinaktan ng driver ng SUV.

Sa isang press conference, sinabi Lopez na natanggap niya ang ulat at kinumpirma na si Alfonso ang nasangkot sa insidente, kaya agad siyang naglabas ng abiso na magpaliwanag sa undersecretary.

Ipinunto ni acting DOTr na lumabas si Alfonso sa SUV para patigilin ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here