Home NATIONWIDE 24/7 tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao, iniatas ni PBBM

24/7 tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao, iniatas ni PBBM

359
0
(c) Davao Breaking News 2

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng kaukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng tuloy-tuloy na tulong sa mga biktima ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Davao Oriental at kalapit na mga lalawigan nitong Biyernes.

“The President’s paramount concern is the safety and well-being of our people in the earthquake-struck areas,” ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez.

Pinatututukan ni Marcos sa NDRRMC, Office of Civil Defense, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard ang mga operasyon sa paglikas, pag-activate ng emergency lines, at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon sa ulat ng NDRRMC, pito ang nasawi at 11 ang nasugatan sa lindol na sinundan pa ng magnitude 6.8 na pagyanig.

Nagpadala na ang DSWD ng family food packs at iba pang suplay, habang nagsasagawa naman ng pagsusuri ang DPWH sa mga kalsada at tulay upang matiyak ang kaligtasan at maayos na paghatid ng tulong. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here