MANILA, Philippines – Isang magnitude 4.1 na lindol ang yumanig sa karagatan malapit sa Silago, Southern Leyte, alas-9:54 ng gabi nitong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Natukoy ang sentro ng lindol sa 16 kilometro hilaga at 89 kilometro silangan ng Silago, sa lalim na 222 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol at hindi inaasahan ang anumang pinsala o aftershock dahil sa lalim nito. Santi Celario