Home NATIONWIDE Mahigit 125,000 pamilya hagip ng ‘double earthquake’ sa Davao — NDRRMC

Mahigit 125,000 pamilya hagip ng ‘double earthquake’ sa Davao — NDRRMC

334
0

MANILA, Philippines – Mahigit 125,000 pamilya o halos kalahating milyong indibidwal ang naapektuhan ng magkasunod na lindol na tumama sa Davao Oriental nitong Biyernes, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo.

Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, umabot sa 125,283 pamilya (491,258 katao) ang apektado — 66,366 pamilya mula sa Davao Region at 58,917 mula sa Caraga. Walong nasawi at 100 nasugatan ang kasalukuyang bineberipika, habang 295 sugatan ang nakumpirma.

Naitala rin ang 2,155 nasirang bahay at 273 imprastrakturang may kabuuang pinsalang tinatayang ₱100.26 milyon. Umabot naman sa ₱26.5 milyon ang naipamahaging tulong sa 70,676 pamilya.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, may higit 100,000 family food packs na nakahanda at nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Philippine Red Cross at DPWH para sa pagtatayo ng pansamantalang tirahan.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na ang mga lindol na may magnitude 7.4 at 6.8 ay tinuturing na “doublet earthquake,” o dalawang magkaibang malakas na lindol na naganap sa iisang lugar sa magkalapit na oras. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here