Home NATIONWIDE Magkakasunod na mga lindol, ‘di magkakakonekta; prediction online ibinabala ng Phivolcs

Magkakasunod na mga lindol, ‘di magkakakonekta; prediction online ibinabala ng Phivolcs

344
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang kaugnayan sa isa’t isa ang mga lindol na yumanig kamakailan sa bansa at binalaan ang publiko laban sa mga pekeng “prediction” sa social media.

“Walang koneksyon sa isa’t isa, may kanya-kanya silang fault system,” ayon kay Johnlery Deximo, senior science research specialist ng Phivolcs.

Bagama’t may higit 180 aktibong fault segment at anim na aktibong trench sa bansa, iginiit ni Deximo na walang katotohanan ang mga kumakalat na balitang magkakaroon ng magnitude 8 o 9 na lindol.

Hinimok niya ang publiko na huwag magpakalat ng di-beripikadong impormasyon na nagdudulot lamang ng takot at kalituhan.

“Ang Pilipinas ay seismically active na bansa kaya normal na may mga pagyanig. Ngunit hindi natin matutukoy kung kailan at saan tatama ang isang malakas na lindol,” ani Deximo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here