Home NATIONWIDE Ombudsman naghahanda na ng kaso vs 15 ‘Cong-tractors’

Ombudsman naghahanda na ng kaso vs 15 ‘Cong-tractors’

249
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na naghahanda na ng mga kaso laban sa 12 hanggang 15 kongresista na sangkot umano sa iregularidad sa mga flood control project na iniimbestigahan mula pa nitong Setyembre.

“Of the 67, there are about 12 to 15 low-lying fruit ready for plucking,” ayon kay Remulla sa kanyang unang press briefing. Tinatayang nasa 100 hanggang 200 katao ang kabuuang iniimbestigahan ng kanyang tanggapan.

“We know that the cases are there, but how do we prove it? That’s our job—to prove charges that stand in court,” dagdag niya, sabay sabing may ilan nang kaso na nasa proseso ng mga abogado ng Ombudsman.

Ipinahayag din ni Remulla na maglalabas siya ng memorandum sa Oktubre 15 para muling buksan sa publiko ang mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno—isang hakbang na babawi sa mga limitasyong ipinatupad ni dating Ombudsman Samuel Martires.

“This is public information that we’re looking for. We are talking about transparency here, so let’s go all the way,” aniya, at idinagdag na maaaring ma-access na sa susunod na linggo ang SALN nina Pangulong Marcos, Pangalawang Pangulo Sara Duterte, at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, iginiit ni Remulla na magkakaroon ng mga kondisyon, tulad ng “undertaking” mula sa mga humihiling ng kopya at redaction ng ilang detalye para sa privacy ng mga opisyal.

“I want to open this office to the public. We are supposed to be the sumbungan ng bayan,” sabi niya, kasabay ng planong makipagtulungan sa media at gumamit ng crowdsourcing para sa lifestyle checks. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here