Home NATIONWIDE De Lima sa ICI: Imbestigasyon gawing available sa publiko

De Lima sa ICI: Imbestigasyon gawing available sa publiko

197
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Mamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na gawing bukas sa publiko at i-livestream ang imbestigasyon nito sa mga umano’y iregular na proyekto ng pamahalaan, kabilang ang mga sangkot na opisyal at mambabatas.

“This is not what we expected from the Independent Commission for Infrastructure,” ani De Lima. “’Pag sinabing independent, hindi ibig sabihin magsasarili na lang.”

Tinuligsa niya ang pagtanggi ng ICI na isapubliko ang mga pagdinig, at iginiit na kung tunay ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr. para sa transparency, dapat niyang hikayatin ang komisyon—na nilikha sa bisa ng Executive Order No. 94—na ilive stream ang mga hearing nito.

Sumang-ayon si Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos, na nagsabing makatutulong ang pampublikong pagdinig para sa patas na imbestigasyon, lalo na sa mga anomalyang may kaugnayan sa dating DPWH Secretary at ngayo’y Senador Mark Villar.

Giit ni Santos, dapat ituring na respondent si Villar dahil sa umano’y koneksyon ng kumpanyang I&E Construction—na iniuugnay sa pinsan niyang si Carlo Aguilar—na nakakuha ng ₱18.5 bilyong kontrata mula sa DPWH.

Dagdag ni De Lima, kailangang palakasin ang mandato ng ICI sa pamamagitan ng House Bill 4453 upang maiwasan ang whitewash. “Ang tanong: bakit natatagalan ang Kongreso at bakit hindi pa ito itinuturing na urgent ng Pangulo?” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here