MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of Civil Defense nitong Lunes na tumaas sa 75 ang naiulat na bilang ng mga namatay sa magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30.
“Sa Cebu po ay nananatiling 75 ‘yung casualty doon. Meron pa rin tayong close to 600 injuries,” ayon kay OCD deputy administrator Assistant Secretary Bernardo Alejandro IV.
Dagdag pa niya, titingnan ng ahensya kung may mas marami pang naiulat na nasawi mula sa magnitude 6.0 aftershock kaninang ala-1:06 ng madaling araw.
“But titignan natin ngayon. Ngayong umaga po, pumapasok ang mga reports. Sana wala pong casualty dito sa aftershock na ito,” dagdag niya.
Ayon kay Alejandro, umabot na sa halos 11,000 ang aftershocks mula sa magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City.
May kabuuang 722,919 katao o 201,245 pamilya sa Centrql Visayas ang naapektuhan ng lindol, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.
Sa kabuuang apektadong populasyon, 3,538 katao o 815 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center habang 5,280 katao o 1,106 na pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.
May kabuuang 79,959 na bahay ang nasira—74,616 ang partially at 5,343 ang kabuuang. Gayundin, 773 imprastraktura na nagkakahalaga ng P6,765,661 ang nasira.
Nasa ilalim ng state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu. RNT/MND