Home NATIONWIDE Pope Leo XIV nanawagan ng tapang sa mga bumubo ng plano sa...

Pope Leo XIV nanawagan ng tapang sa mga bumubo ng plano sa kapayapaan sa Gaza

258
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pope Leo XIV ng tapang para sa mga bumubuo ng mga plano para sa pangkapayapaan para sa Gaza habang ang mga pinuno ay naghahanda na dumalo ng summit sa pagtatapos ng conflict.

Tatalakayin ng mga international leaders ang pagpapatupad ng unang phase ng tigil putukan, dalawang taon pagkatapos ng pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7, 2023 na nagpasiklab ng kontra-opensiba ng Israel na pumatay ng higit sa 67,000 Palestinians.

Binanggit din ng papa ang kanyang “kalungkutan” kasunod ng balita ng “bago, marahas na pag-atake na tumama sa ilang lungsod at imprastraktura ng sibilyan sa Ukraine, na naging sanhi ng pagkamatay ng mga inosenteng tao, kabilang ang mga bata.”

“My heart goes out to the suffering population, who have lived in anquish and deprivation for years,” sabi ng papa at nanawagan muli para sa pagtatapos ng karahasan.

Nauna nang hinimok ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy si Trump na makipagkasundo sa kapayapaan sa Ukraine tulad ng sa Gitnang Silangan na nagsasabing kapag mapahinto ng pangulo ng estados unidos ang isang digmaan, maaari ding pigilan ang iba. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here