Home NATIONWIDE DepEd-NCR naglabas ng health at safety protocols sa sirit-flu-like illnesses

DepEd-NCR naglabas ng health at safety protocols sa sirit-flu-like illnesses

361
0

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng health at safety protocols ang Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng flu-like illnesses sa mga mag-aaral at kawani ng paaralan.

Sinuspinde ang lahat ng face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila mula Oktubre 13 hanggang 14, habang ipinag-utos sa mga paaralan na gumamit ng Alternative Delivery Modalities (ADM) — online o modular — alinsunod sa DepEd Order No. 54, s. 2012, upang hindi maantala ang pag-aaral.

Inatasan ng DepEd-NCR ang mga paaralan na gamitin ang panahon ng suspensiyon para sa mga sumusunod:

-Paglilinis at pagdidisimpekta ng mga silid-aralan at karaniwang lugar;

-Pagsasagawa ng structural at safety inspections ng mga gusali;

-Paghahanda at pagsasanay para sa earthquake drills at iba pang emergency protocols; at

-Pagpapalakas ng health at safety practices sa mga mag-aaral, guro, kawani, at mga magulang.

Binigyang-diin din ng abiso ang DepEd Memorandum OUOPS-2025-06294, na nakatuon sa earthquake preparedness at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at division engineers para sa inspeksiyon at risk mitigation.

Hinikayat din ang mga pribadong paaralan na magsagawa ng katulad na hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga empleyado. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here