Manila, Philippines – “Convertible” din pala ang spacious bedroom ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.
Bukod kasi sa tulugan ito’y ginawa itong pickleball court ni Jinkee.
Akala mo, Manny, na ikaw lang ang may sport–pati misis mo din, no!
Hmmm, not exactly weird.
Habang tinatanaw nga ni Pacman from their bedroom ang paligid, heto’t bising-busy si Jinkee sa kapapalo ng kanyang raketa.
Sa video na in-upload recently, pabirong tinanong ni Manny si Jinkee kung bakit
hanggang kuwarto nila’y nagpi-pickleball ito.
Tawa lang ang isinagot ni Jinkee na hindi nagpatinag sa paglalaro.
Dayalog ni Manny: “Grabe, pati dito sa kuwarto, nagpi-pickleball ka?
“Ano ba ‘tong nangyari sa atin?”
Nag-suggest na lang ang Pambansang Kamao to have a pickleball court constructed inside their bedroom: “Magpatayo na lang tayo ng court dito sa loob ng kuwarto natin.
“Masarap pa naman dito sa kuwarto…
nag-eenjoy ako dito sa loob watching outside!”
Dahil ganadong maglaro, natamaan tuloy ni Jinkee ang llang mga naka-display sa kuwarto nila–laugh lang siya!
Paninita ni Manny sa kanya, “O, mabasag ‘yung ibang display natin diyan, mabasag..”
Sanay ka naman, Manny, sa “basag”…
nambabasag ka nga ng mukha ng kalaban mo sa ring, eh.