Home NATIONWIDE Regional, division office pwedeng magsuspinde ng klase sa paghahanda sa lindol –...

Regional, division office pwedeng magsuspinde ng klase sa paghahanda sa lindol – DepEd

408
0

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga regional at division office na magsuspinde ng face-to-face classes bilang preventive measure upang matiyak na ligtas at handa ang mga paaralan sakaling magkaroon ng malakas na lindol o iba pang kalamidad.

Ayon sa DepEd Media Relations Chief Dennis Legaspi, layunin ng suspensiyon na bigyang-daan ang structural at safety inspections sa mga paaralan.

“Maaaring magpatupad ng preventive suspension ang mga Regional at Schools Division Offices upang magsagawa ng inspeksiyon at iba pang aktibidad para matiyak na handa ang mga paaralan sa oras ng kalamidad o lindol,” ani Legaspi.

Hinikayat din niya ang mga magulang, guro, at lokal na pamahalaan na makipagtulungan upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan.

Sa National Capital Region (NCR), sinimulan na ng mga awtoridad ang paglilinis at pagdidisimpekta ng mga silid-aralan, pati ang structural at safety inspections sa mga gusali.

Inihahanda rin ng DepEd-NCR ang mga earthquake drills at emergency protocols, kasama ng pagpapatibay ng health at safety practices.

Tiniyak ni Legaspi na may mga alternative learning modes tulad ng online at modular learning upang hindi maputol ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here