Home ENTERTAINMENT Janella, nakipaglaplapan sa girlet!ENTERTAINMENTNATIONWIDESHOWBIZ Janella, nakipaglaplapan sa girlet!October 14, 2025 13:502890 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Siguradong pag-uusapan ang Cinemalaya entry ni Janella Salvador.Kasi ba naman, first time na napaka-daring ni Jea.Nangyari pa naman ito ngayong mom na siya.So, ibig sabihin ay handang-handa na siya sa mature roles.Aba’y palaban si Janella sa love at kissing scene sa kanyang co-star na si Leanne Mamonong.Laplapan to the max talaga ang kanilang eksena sa kama.Nope, hindi sa costar niyang si Klea Pineda, na nali-link sa kanya, meron siyang maseselang eksena.Ika nga ng katotong nanood ng nasabing pelikula, bigay na bigay si Jea sa kanilang torrid kissing scenes ng kanyang screen partner.Aminado naman kasi si Janella na proud siya sa kanyang first Cinemalaya outing.Staunch supporter din si Jea ng LGBTQA+ community kaya itinodo niya ang kanyang pagpapakatibo sa pelikula.Well, hindi lang si Jea ang may kissing scene kay Leanne kundi pati ang award-winning actress na si Jasmine Curtis-Smith.Ang pelikula ay kuwento ng apat na tonggril na naging mag-ex at magkakaibigan.Nagkaroon ng kumplikasyon sa kanilang friendship nang magdesisyon ang isa na magpakasal sa isang kelot. Archie Liao