Home NATIONWIDE Pagiging state witness ni Romualdez, ‘fake news’ — Ombudsman

Pagiging state witness ni Romualdez, ‘fake news’ — Ombudsman

307
0

MANILA, Philippines – Fake news umano ang kumakalat sa social media na nagsasabing sinabi ni Ombudsman Crispin Remulla na isang mataas na opisyal mula sa Leyte ang magiging state witness, kasabay ng paglabas ng mga larawan nito kasama si Rep. Martin Romualdez na may caption na “state witness.”

Tinawag ito ni Remulla na propaganda para galitin ang taumbayan.

Sinabi ni Atty. Mico Clavano IV na niloloko at pinaglalaruan ng mga nasa likod ng mga pekeng post na ito ang damdamin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news.

Kasabay nito, nagpaalala siya sa publiko na mag-ingat sa mga pekeng balita sa social media.

Nauna nang sinabi ni Remulla na mayroon na silang kinokonsiderang isang state witness sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here