Home NATIONWIDE DSWD: Halos P50-M ayuda, naipamahagi sa Davao quake bakwits

DSWD: Halos P50-M ayuda, naipamahagi sa Davao quake bakwits

285
0

MANILA, Philippines— Umabot na sa ₱49.66 milyon ang halaga ng tulong na naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Region.

Ayon kay Assistant Secretary Juan Carlo Marquez, nakapagpamigay na ang ahensya ng 54,660 family food packs (FFPs) — 52,660 sa Davao Oriental at 2,000 sa Davao de Oro — pati ready-to-eat food at iba pang non-food items.

“In line with the directive of President Ferdinand Marcos Jr., the DSWD under Secretary Rex Gatchalian is committed to providing food, water, and other needs of our affected fellow Davaoeños,” ani Marquez.

May mga naka-preposition na relief goods sa Davao del Norte para sa agarang tugon, habang patuloy na nagbibigay ng pagkain ang mobile kitchen ng DSWD sa Tarragona, isa sa mga lugar na matinding napinsala. Nagpamahagi rin ng mga tent at nagsagawa ng psychosocial first aid sa Tarragona at Manay.

Nagbigay rin ang DSWD ng tulong pinansyal sa mga pamilya ng mga nasawi at sugatan, at nakikipag-ugnayan sa ibang ahensya at organisasyon para sa tulong sa mga ospital. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga Mobile Storage Unit (MSU) tent mula sa World Food Programme sa Tagum City, Carmen, at Davao de Oro.

“The DSWD has enough supplies and resources for sustained disaster operations… ensuring that no one will be left behind,” ayon kay Marquez. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here