MANILA, Philippines – Nailigtas ni Bjorn Kristensen ang Philippine Men’s National Team matapos itala ang go-ahead goal sa 70th minute upang talunin ang Timor-Leste, 3-1, sa AFC Asian Cup Qualifiers sa New Clark City Stadium.
Unang naka-goal ang kalaban bago nakabawi si Jefferson Tabinas isang minuto matapos ang halftime. Sinundan ito ng goal ni Kristensen bago sinelyuhan ni Jarvey Gayoso ang panalo sa ika-90 minuto.
Ang tagumpay ay nagpanatili sa Pilipinas na unbeaten sa Group A, may 10 puntos at kasalo sa tuktok ang Tajikistan. Ito na ang ikatlong panalo ng Pilipinas, kasunod ng 4-1 na panalo rin kontra Timor-Leste noong nakaraang linggo sa Australia.
Patuloy ang momentum ng koponan sa kanilang kampanya patungong Asian Cup. Susunod na makakaharap ng Azkals ang Maldives sa Nobyembre 18 at Tajikistan sa Marso 2026, parehong away games na magiging susi sa kanilang kwalipikasyon.GP