Home HOME BANNER STORY PBBM, VP Sara, lumagapak trust ratings – SWS

PBBM, VP Sara, lumagapak trust ratings – SWS

294
0

MANILA, Philippines — Bumaba ang tiwala ng publiko kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Setyembre 2025.

Sa survey na inutos ng Stratbase, nakakuha si Marcos ng 43% “much trust”, mula sa 48% noong Hunyo. May 36% na nagsabing “little trust” at 21% na undecided.

Si Duterte naman ay may 53% “much trust”, bumaba mula 61% noong Hunyo; 28% ang may “little trust” at 18% ang undecided.

Ayon kay Press Officer Undersecretary Claire Castro, patuloy na nagsusumikap si Marcos na labanan ang korapsyon at pagandahin ang buhay ng mga Pilipino.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 24 hanggang 30 sa 1,500 respondents sa buong bansa, may ±3% margin of error. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here