MANILA — Magkakaroon ng libreng sakay sa MRT-3 sa Oktubre 26, 2025.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ang libreng sakay ay mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m., katuwang ang Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 management. RNT