MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot sa dalawang major lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo, Nobyembre 1.
Walang bettor ang nakatama sa winning combination na 14-34-54-18-05-46 ng Ultra Lotto 6/58.
Dahil dito, umakyat sa P468,922,422.10 ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.
Hindi pa natatamaan ang jackpot ng naturang lotto game mula noong Mayo, nang paghati-hatian ng 10 bettors ang P76.3 milyong premyo.
Wala ring nakakuha ng jackpot sa Super Lotto 6/49 matapos mabigong matamaan ang winning combination na 44-16-40-19-27-32.
Umakyat naman sa P78,612,615.50 ang jackpot prize nito.
Patuloy na madaragdagan ang mga jackpot hangga’t walang bettor na nakakakuha ng tamang kombinasyon sa mga susunod na draw.