Home METRO Lalaking wanted sa kasong rape at sexual assault, swak

Lalaking wanted sa kasong rape at sexual assault, swak

225
0

MANILA, Philippines – Swak sa hoyo ang isang lalaki na wanted sa kasong rape at sexual assault nang masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, ang 45-anyos na akusado, na kabilang sa mga Most Wanted Person ng Valenzuela CPS, ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Family Trial Court, Branch 16, Valenzuela City.

Nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa tinutuluyang bahay ng akusado, kaagad bumuo ng team ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS bago ikinasa ang manhunt operation.

Dakong alas-4:40 ng hapon nang makorner ng mga tauhan ni Col. Talento ang akusado sa Bitik Medina Street, Community Steelwood, Barangay Gen. T. De Leon.

Hindi na pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest para sa dalawang bilang ng rape at dalawang bilang din ng sexual assault in relation to Section 5 ng R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa kanyang paglilipat sa City Jail. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here